P250-B MAHARLIKA WEALTH FUND

KASADO na ang paglikha ng P250 bilyong foreign wealth fund na ang layunin ay ma-maximize ang profitability ng investible states assets.

Apat sa itinuturing na ‘top performing government financial institutions’ sa bansa ang sumusuporta para maipasa sa Kongreso ang House Bill No. 6398 na lumilikha sa tinatawag na Maharlika Wealth Fund (MWF).

Ang mga ito ay ang Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippones (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ang nasabing mga institusyon ay pawang nag-commit na mag-invest ng seed money para pasimulan ang tinaguriang sovereign wealth fund.

“We are very supportive of this bill and we have committed P125 billion to be able to jumpstart the incorporation and help set in motion the principles of the sovereign wealth fund,” ayon sa pahayag mismo ni GSIS President and General Manager Jose Veloso.

Sinegundahan ito nina DBP President Emmanuel Herbosa, SSS President and CEO Michael Regino, at LBP President and CEO Cecilla Borromeo na pawang sumusuporta sa paglikha ng MWF.

Si House Speaker Martin Romualdez ang sponsor ng HB-6998 na lumilikha ng MWF.

Ang nasabing batas ay kopya sa mga katulad na foreign wealth fund mula sa iba’t ibang maunlad na bansa na ang layunin ay ang ma-maximize ang profitability ng investible assets na ang magiging benepisyaryo ay ang mamamayang pilipino.

Sa ilalim ng batas na ito, ang tinatawag na four GFIs o government finance institutions na kikilalanin bilang mga founding GFIs ay may mandato na mag-invest ng equity na may combined total na P250 bilyon para pasimulan ang tinatawag na start up fund.

Ang GSIS ang siyang magpo-provide ng initial P125 bilyong pondo, tig-P50 bilyon ang SSS at LBP at P25 bilyon naman ang mula sa DBP.

Ang ganitong investment ay naging matagumpay sa umuunlad na bansa gaya ng Singapore at Indonesia na inaasahang magtatagumpay rin kung seryosing itataguyod sa Pilipinas.

“As the Philippines secures its place not only as the RISING STAR of Asia but as a real economic leader in the Asis Pacific, the creation of the MWF becomes imperative,” ayon kay House Speaker Romualdez.

Ang nasabing bill ay suportado ng ilang miyembro ng pamilya ni Presidente Bongbong sa pangunguna ng pinsan nitong si Congressman Romualdez (Leyte 1st Distfict), maybahay nitong si Yedda Marie Romuldez (Tnaog Sinirangan) at presidential son Representative Sandro Marcos ng Ilocos 1st District.

Ang MWF ay pamamahalaan ng Maharlika Investment Corporation (MIC) bilang government-owned and controlled corporation na agad lilikhain sa sandaling ito’y maging pinal na batas.

Base sa Artikulo V, Seksyon 15 ng naturang bill, magkakaroon ito ng siyam na board members na kinabibilangan ng mga sumusunod:
– Six partners from the founding government financial institutions.
– Two independent directors
– at Secretary of Department of Finance (DOF) as the official representative of the National Goverment.

(Para sa komento, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09266481092)