P25,000 CHRISTMAS BONUS SA 1,207 GOV’T WORKERS’ UNIONS  

DBM

MAY KABUUANG 1,207 government workers’ unions ang kuwalipikadong makipagnegosasyon at tumanggap ng hanggang P25,000 cash incentive para sa bawat miyembro nito ngayong buwan sa pamamagitan ng Collective Negotiation Agreement (CNA).

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang accredited unions ay mula sa national government agencies, local government units, state universities and colleges, at government-owned and controlled companies and corporations.

Gayunman, sinabi ng DBM na hindi pa nila natatasa ang kabuuang bilang ng government agencies at employees na kuwalipikado para sa CNA incentive.

Ang mga ahensiya, LGUs,  SUCs, at GOCCs ay may hanggang Enero 31, 2019 para magsu­mite ng kanilang report sa DBM.

Ang mga empleyado ng pamahalaan na nagtatrabaho para sa mga ahensiya na nagkaroon ng savings para sa taon ay kuwalipikadong tumanggap ng cash bonus ngayong Disyembre.

Ang annual CNA incentive ay isang one-time benefit na ipinagkakaloob bago mag-Disyembre 15.

“The incentive recognizes efforts of government offices in accomplishing performance targets at lesser cost and in attaining more efficient and viable operations through cost-cutting measures and systems improvement,” ayon sa DBM.

Ang management at rank-and-file employees ng mga ahensiya na may aprubado at matagumpay na naipatupad na CNAs ay dapat tumanggap ng insentibo.

“Budget Circular No. 2018-5 defines the employees entitled to the benefit from the CNA initiative as civilian personnel—regular, contractual, or casual—rendering services full-time or part-time in state universities and colleges, government-owned and controlled corporations, local water districts, and local government units, whether or not covered by Republic Act No. 6758 or the Salary Standardization Law.”

Ipinaliwanag ng DBM na walang minimum amount na matatanggap para sa CNA incentive subalit hindi ito dapat lumagpas sa P25,000 kada empleyado.

“If no savings are available, it is possible that no incentive will be released,” anang DBM.

Comments are closed.