LUSOT na sa Kamara de Representantes ang P254.115 bilyong panukalang budget ng Department of National Defense (DND) para sa 2025.
Tinapos na ng mga miyembro ng minorya ang kanilang interpellation sa unprogrammed funds at Balikatan exercises ng DND.
Binigyang-diin ni Rep. Jose Aquino II (1st District, Agusan del Norte),House Committee on Appropriations vice chairperson,na siyang nag-sponsor ng DND budget sa plenaryo, ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na budget para sa defense sector ng bansa.
“It allows the department to refocus its strategic direction primarily on archipelagic defense, while upholding the nation’s sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction,”pahayag ni Aquino.
J DORONIO