NANANAWAGAN si Senador Panfilo Lacson na bantayan ang pondo ng naipasang Universal Health Care Law na umaabot sa P257 bilyon.
Ginawa ni Lacson ang panawagan matapos na makatanggap ng mga impormasyon at mga dokumento na paulit-ulit na modus na kasabwat ang ilang may-ari ng ospital bukod pa sa mga naunang isyu ng katiwalian tulad ng pagpapagamot sa mata at sa dialysis ng mga pasyente.
Base sa hawak na dokumento ni Lacson, nangangamba ito na umaabot na sa P250 bilyon ang pondo ng PhilHealth na napunta sa katiwalian.
Nauna nang binanggit ni Lacson, ang Perpetual Soccor Hospital sa Cebu City na kahit na-discharge na ang pasyente ng ospital ay pinalalabas na may extension of confinement para makakuha ng malaking halaga sa PhilHealth.
Bukod dito, tinukoy rin ni Lacson na ang inuupahang building ng Region 1 PhilHealth Office sa Tapuak District sa Dagupan City ay pag-aari mismo ni Health Secretary Duque.
Ani Lacson, malinaw na may conflict of interest dito dahil si Duque ang chairman of the Board ng PhilHealth at nagkaroon ng contract of lease ang Region 1 PhilHealth office sa family business ng mga Duque. VICKY CERVALES
Comments are closed.