MABILIS na naaprubahan sa House Committee on Higher Education sa unang pagdinig ang panukala na magbibigay ng pondo para pang-kolehiyo ng mga kabilang sa mahihirap.
Sa House Bill 1219 na inihain ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, nakasaad na pagkapan-ganak pa lamang sa sanggol ay awtomatikong may P25,000 na itong pondo para sa kolehiyo.
Pagsapit ng 18 taong gulang ng estudyante kung saan ito na rin ang maturity period ng pondo ay inaasahang lolobo ang pondo sa P150,000.
Ang halagang ito ay hahatiin at gagamitin ng isang estudyante sa kanyang mga gastusin sa kolehiyo o unibersidad na nais pasu-kin sa loob ng apat na taon.
Bukod sa undergraduate-post secondary programs ng SUCs ay maaari ring magamit ang pondo sa lahat ng technical-vocational institutions.
Kukunin ang nasabing pondo sa national treasury at inaasahang 383,000 na mga bagong panganak na sanggol kada taon ang makikinabang sa programa.
Sa oras na maging batas ay pipiliin naman ang mga sanggol na benepisyaryo sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). CONDE BATAC
Comments are closed.