P260K TULONG SA 75 GRANTEES SA MARAWI

75 GRANTEES OF MARAWI

NAGKALOOB ang US go­vernment ng multi-billion peso sa may 75 communities at  business owners na nawalan ng hanapbuhay bunsod ng naganap na 2017 Marawi siege.

“The US government, in partnership with the Philippine government, is a committed friend, partner and ally supporting your journey to recovery,” ani US Agency for International Development (USAID) Acting Mission Director Patrick Wesner.

Nabatid na may 75 grantees ang pinagkalooban ng  financial assistance na nagkakahalaga ng  P260,000 para muling ibangon ang kanilang pamumuhay at mga kabuha­yan.

Ang  Marawi Response Project ay inilunsad noong  2018 katuwang ang Plan International, na sinusuportahan ng local organi-zations Ecosystems Work for Essential Benefits, Inc. at  Maranao People Development Center, Inc. Bahagi ito ng US government’s P3.2 billion-commitment to humanitarian and recovery work sa  Marawi.

Bukod sa nasabing grant ay  isasalang din sila sa mga pagsasanay na bahagi ng tatlong taong proyekto ng USAID na sumusu-porta para  makabangon muli ang mga   displaced residents ng  Marawi, Lanao del Sur, Lanao del Norte at Iligan.

Ayon kay Nasser R. Hadji Salic, isa sa  recipient ng business micro-grant,  “Bukod sa kanilang grant assistance program ay mahalaga ang mga training nila para maging sustainable ang aming mga ne­gosyo.”  VERLIN RUIZ

Comments are closed.