BINUKSAN ang P261-M Ciudad de Victoria Interchange Overpass Bridge at Bypass Road sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, na ang paglalakbay sa Hilaga at Gitnang Luzon, kasama ang North Luzon Exptessway at Bulacan ay mas madali na sa pagbubukas ng interchange at mabilis na ring makakarating sa isang 55,000-seater indoor stadium na pagdarausan ng ilang aktibidad sa 30th SEAGames.
Ayon naman kay DPWH Rehiyon III Director Roseller A. Tolentino ay makikinabang sa mga motorista na dumaraan sa Gobernador F. Halili Road sa Sta.Maria, Bulacan dahil may alternatibo na matinding trapiko sa Bocaue interchange .
Kabilang sa natapos na ay apat na linya ng kalsada, konstruksyon ng 80.80-linear meter overpass tulay na tumatawid sa North Luzon Expressway, at acceleration / deceleration lane na may 42.80-linear meter kongkreto na tulay at 757-linear meter na kalsada.
Ang P260-milyong proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act (GAA) at ipinatupad ng DPWH Regional Office 3 .
Si Villar ay sinamahan ni Bocaue Mayor Eleonor “Joni” Villanueva; Atty. Glicerio P. Santos IV, Iglesia Ni Cristo Head Legal Counsel; at Senador Joel Villanueva sa pagpapasinaya sa drive thru. MARIVIC RAGUDOS/FROILAN MORALLOS
Comments are closed.