AABOT sa P267.18 million ang ibinuhos na pondo sa bagong tayong beaching ramp sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Kahapon ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapasinaya sa bagong-gawang beaching ramp.
Kasama ni Lorenzana sa ribbon-cutting ceremony si Naval Force Western Commander Cmmo. Renato David.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng kalihim na ngayong nakumpleto na ang Beaching Ramp ay mapadadali na ang ginagawang development sa isla dahil maari nang dumaong ang mga barko para magdiskarga ng heavy equipment at construction supplies sa isla.
Sinabi ni Lorenzana na susunod nang aayusin ang runway para maka-landing na ang mga eroplano sa isla.
Ang ginugol na P267.18 milyon ng pamahalaan sa konstruksyon ay bahagi naman ng mahigit P1 bilyon na nakahanay na proyekto sa Pag-asa Island. EUNICE C
Comments are closed.