P268.5M INFRA SINIRA NI DANTE SA VISMIN

NASA P268.5 milyong halaga ng proyektong ipinagawa ng Department of Public Works and Highways(DPWH) ang winasak sa ilang lalawigan dulot ng pananalasa ng Bagyong Dante.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kabilang sa partial damage mula sa Region 7 ang P106.2 milyong halaga ng infrastructures kung saan P95 milyon dito ay mga kalsada at P11.2 milyon naman ay flood control structures samantalang naitala ang pinakamalaking ginibang panangga sa tubig sa Region 12 na umabot sa P162.32 milyon na ang dahilan naman ay ang malakas ulan at baha.

Bagaman kaagad na inilunsad ang malawakang clearing operations ng 1,569 na trabahador mula sa ahensyang ito gamit ang 270 na equipments makaraang humupa si Dante sa Visayas at Mindanao subalit batay sa pinakahuling ulat bandang ala-6 ng umaga kahapon, tatlong national roads pa sa Cebu ,Eastern Samar at Agusan del Sur ang hindi madaanan ng mga motorista bunsod sa lubog pa sa baha at may gumuhong lupa rito.

Kabilang sa apektadong kalsada sa Cebu ang Dalaguete-Mantalongon-Badian road sa Barangay Ablayan,Dalaguete na hindi pa rin umano humupa ang tubig samantalang isinara ng DPWH Quick Response Team ang Wright-Taft-Borongan road hanggang Camp 5 Boundery-Junction Taft sa Barangay Binaloan Taft sa Eastern Samar sa posibleng pagkaroon ng landslide sanhi ng malambot na lupa rito at dahil sa inaayos pa ang tulay ng Adgawan sa La Paz,Agusan del Sur,ipinagbawal munang dumaan sa Butuan City-Talacogon-Loreto-Veruela-Sta Josefa road ngunit may ipinatayo namang alternate bridge upang pansamantalang may madaanan ang mga tagarito. NORMAN LAURIO

5 thoughts on “P268.5M INFRA SINIRA NI DANTE SA VISMIN”

  1. 854708 742746This is a superb blog, would you be involved in doing an interview about just how you developed it? If so e-mail me! 668795

Comments are closed.