UMABOT sa P27.407 billion ang binayarang utang ng pamahalaan noong Mayo kung saan mas mataas ang interest payments kaysa amortization, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa datos ng BTr, ang nasabing halaga ay mas mababa ng 82.77 percent kumpara sa P159.096 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2018.
Ang interest payments ay nasa P19.669 billion habang ang amortization ay P7.738 billion.
Ang interest payments para sa nasabing buwan ay mas mababa ng 6.83 percent kumpara sa P21.111 billion noong May 2018.
Sa ilalim ng domestic interest payments, ang fixed rate Treasury bonds (T-bonds) ay nasa P12.680 billion; Treasury bills, P1.636 billion; at retail T-bonds, P1.459 billion.
Ang foreign interest payments ay naitala naman sa P3.894 billion para sa naturang buwan.
Bumaba rin ang amortization para sa Mayo ng 94.39 percent kumpara sa P137.985 billion na naitala sa kahalintulad na buwan noong 2018, kung saan lahat ng payments ay napunta sa foreign amortization na P7.738 billion.
“From the January to May period this year, the government made a total of P301.426 billion for the payment of its debt, which showed a decrease of 21.74 percent compared to the P385.142 billion made in the same period for 2018,” ayon pa sa datos ng BTr.
Ang interest payments para sa 5-month period ay umabot sa P150.975 billion, mas mataas ng 6.74 percent sa P141.445 billion noong nakaraang taon. REA CU
Comments are closed.