GAGASTOS ang pamahalaan ng halos P30 billion sa multi-year rollout ng Philippine Identification System (PhilSys) at ng national ID, ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA).
“We submitted the overall budget at the NEDA-ICC (National Economic and Development Authority-Investment Coordination Committee) last May 2020, and the budget is about P27.8 billion, that is the entire budget for the PhilSys,” pahayag ni National Statistician and NEDA Undersecretary Dennis Mapa sa isang virtual press conference.
Ayon kay Mapa, ang P27.8-billion budget ay para sa pag-hire ng enumerators na mangangalap ng census data door-to-door, sa pagbili ng gadgets para sa koleksiyon ng data, automated biometric identification system, systems integrator, at cybersecurity component.
Sinabi ng PSA chief na para sa 2018, ang pamahalaan ay nakapagpalabas ng P2 billion para sa PhilSys at para sa 2019 ay P2.1 billion ang inilaan.
Para ngayong taon, ang pamahalaan ay naglaan ng P3 billion.
“So nasa P7.1 billion na ang naibigay lahat ngayon,” ani Mapa.
“Dahil malaki ang target na mairehistro sa 2021 binigyan kami ng P4.1 billion budget,” dagdag pa ni Mapa.
Aniya, nakabili na ang PSA ng registration kits, automated biometric data collection system at systems integrator components para sa PhilSys.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ahensiyang naatasang mag-print mg ID cards para sa PhilSys.
“Ang pinakamalaking gastos is ‘yung registration process at malaking component din ‘yung pag-produce ng ID mismo,” sabi pa ng national statistician.
Simula, aniya, sa January 2021, ang registration para sa national ID system ay magiging nationwide.
Comments are closed.