P270.77-B NAKOLEKTA NG BIR, BOC NOONG HUNYO

DOF-2

TUMAAS ang tax collections ng attached agencies ng Department of Finance (DOF) noong Hunyo, subalit hindi ito sapat upang maiangat ang year-to-date collections mula noong nakaraang taon.

Sa datos na ipinalabas ng DOF, ang Bureaus of Customs (BOC) at Internal Revenue (BIR) ay nakakolekta ng pinagsamang P270.77 billion noong Hunyo.

Mas mataas ito ng 28.03% o P59.28 billion kumpara sa P211.50 billion na nakolekta noong Hunyo 2019.

Ang BIR ay nakako­lekta ng P228.23 billion, mas mataas ng P68.04 billion o 42.47% mula sa P160.2 billion noong ­Hunyo 2019. Mas mababa ito ng 19.85% o P56.57 billion sa P284.8-billion target.

Nakakolekta naman ang BOC ng P42.54 billion noong Hunyo, mas mataas ng  P1.8 billion o 4.42% sa P40.74-billion target para sa buwan.

Gayunman, year-to-date, ang koleksiyon ng dalawang ahensiya ay nasa P1.155 trillion, mas mababa ng 16% o P220.47 billion mula sa P1.375 trillion noong Enero hanggang Hunyo 2019.

Mas mababa rin ito sa P1.187-trillion collection target ng 2.76% o P32.73 billion.

“An unprecedented coronavirus pandemic continued to pummel the economy  and restrict business activity in most parts of the country,” ayon sa  DOF.

One thought on “P270.77-B NAKOLEKTA NG BIR, BOC NOONG HUNYO”

  1. 565330 568954Thank you for the great writeup. It in fact was a amusement account it. Appear advanced to far added agreeable from you! Even so, how could we communicate? 733541

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *