NANGANGAMBA ang Department of Agriculture (DA) na magreresulta sa African Swine Fever (ASF) scare ang mga report hinggil sa pagkakasakit ng mga baboy sa ilang piggery sa Luzon.
Ayon kay Noel Reyes, spokesman ng DA, aabot sa P270-B na halaga ng livestock industry ang nakataya dahil sa pangamba sa ASF.
Maliban aniya sa hog raisers, marami pang negosyante at manggagawa ang umaasa sa livestock industry.
Ito aniya ang dahilan kayat maingat sila sa paghawak sa sitwasyon upang hindi lumikha ng panic sa publiko.
Ayon kay Reyes na ito rin ang dahilan kaya’t hindi nila isinasapubliko ang resulta ng local laboratory test hangga’t wala pa ang confirmatory test sa isang international laboratory na accredited ng World Organization for Animal Health. DWIZ882
Comments are closed.