INAPRUBAHAN ng National Economic Development Authority (NEDA) Investment Coordination Committee-Technical Board (ICC-TB) ang P28.243 bilyon na proyekto ng mga tulay ng Department of Agrarian Reform (DAR) na aabot sa 354 na kinakailangan upang matulungan ang mga benepisyaryong magsasaka na makabiyahe papunta sa merkado upang magbenta ng kanilang mga produkto mula sa kanilang mga komunidad na tinaguriang agrarian reform communities (ARCs).
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, ang layunin ng proyekto na tinawag na “Pang-Agraryong Tulay Para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka” ay para makatulong sa pag- asenso, pagtaas ng produksyong pang agrikultura at pagbuti ng buhay ng mahigit kumulang 350,000 pamilya ng mga benepisyaryo ng agrarian reform.
“The DAR has so far identified and validated 354 possible sites for the bridges following close coordination with the Department of Agriculture Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (DA-BAFE), the Department of Public Works and Highways (DPWH), and local government units,” sabi ni Estrella III.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng socio-economic agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nakadetalye sa Philippine Development Plan para sa mga taong 2023-2028, sabi ni Estrella III.
Ang mga naturang tulay na modular steel ay inaasahan na makakatulong ng malaki sa logistical support na kinakailangan ng mga benepisyaryo ng agrarian reform upang mapataas ang kanilang mga produkto, maging mas maayos ang kanilang mga paghahanapbuhay at ibang oportunidad at mapalapit sa mga social services na kinakailangan ng kanilng mga pamilya. MA. LUISA GARCIA