P282-M PINSALA NI ‘INENG’ SA INFRA, AGRI

BAGYONG INENG

PUMALO na sa P282 milyong halaga ng imprastraktura at agrikultura ang napinsala sa Northern Luzon dahil sa bagyong Ineng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pahayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, sa nasabing halaga ay P263 milyon ang nasira sa mga imprastraktura.

Ani Jalad, siyam na kalsada, apat na tulay at dalawang flood control structures ang nawasak sa mga barangay sa Ilocos Norte, habang nasa P19,571,654 naman ang napinsala sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Pinakamalaking napinsala ang mga palayan na lumubog sa tubig-baha.

Hindi rin nakaligtas ang ilang alagang hayop dahil sa matinding baha sa lalawigan.

Comments are closed.