CAPIZ- ITINAYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong seawall sa Roxas City upang protektahan ito mahinang komunidad malapit sa baybayin.
Base sa ulat ng DPWH Regional Office 6 OIC sa ilalim ni Director Sanny Boy O. Oropel, ang naturang seawall na siyang nagsisilbing robust coastal defense ng Barangay Punta Cogon ang nagbibigay kaligtasan sa paiba-ibang klima o panahon.
Tinatayang aabot P29.1 milyon ang itinayong Punta Cogon Seawall kabilang ang 166-lineal meter concrete seawall na may anchorage piles at beams.
Ayon kay OIC-Director Oropel, “Situated along the Visayan Sea, Barangay Punta Cogon is vulnerable to high tides, storm surges, and soil erosion. With the completion of the project, local residents are protected by an all-weather structure”.
PAULA ANTOLIN