TInatayang aabot sa 403 kabahayan at 229 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang inaasahang makikinabang sa farm-to-market road na nagkakahalaga ng PhP 29,471,802 sa Tual-Sinalukay sa Sultan Kudarat na ang pangunahing layunin ay upang magkaroon ang mga magsasaka ng mas mabilis na daan patungong pamilihan at sa iba pang serbisyo ng pamahalaan.
Sa isinagawang ceremonial groundbreaking ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa pagkongkreto ng P29,471,802 farm-to-market road sa Tual-Sinalukay,sinabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Abdullah N. Balindong na sa pamamagitan ng naturang proyekto, inaasahan ng ahensya na mapapabuti ang kabuhayan ng mga naturang ARBs pag natapos na ito sa President Quirino, Sultan Kudarat
Ayon kay Balindong, target ng DAR, katuwang ang Provincial at Municipal Local Government Units na matapos ang konstruksyon ng FMR sa Pebrero 3, 2025.
Layunin ng FMR na magdala ng malaking benepisyo sa mga magsasaka sa mga tuntunin ng mas maikling oras ng paglalakbay, pag-access sa mga lugar ng sakahan, pagbawas sa mga gastos sa transportasyon at paghakot, at pag-access sa mga pamilihan at iba pang serbisyong panlipunan.
“Ang proyektong kalsada na ito ay kinabibilangan ng pagkonkreto ng isang 1,500 metrong kalsada, na may pagbabago mula sa graba tungo sa pagigigng kongkreto, na may lapad na 3.05 metro bawat lane at may kapal na 0.23 metro. Bukod pa rito, magiging bahagi ng konstruksyon ang Reinforced Concrete Pipe Culvert installations,” sabi ni Balindong.
“Malaki ang pakinabang namin dito, lalo na sa pagbibyahe ng aming mga produkto patungo sa merkado. Hindi lang kami makatitipid sa oras at pagod, mapatataas din nito ang aming mga kikitain,” sabi naman ni Joaquin Eslao, sa mga ARB sa naturang lugar.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia