P29/KILO NG BIGAS

SA halip na kutyain ng mga mga kritiko, pasalamatan na lamang ang pagsisikap ng pamahalaan na mayroon mabibilhan na mababang presyo ng bigas.

Ito nga ay ang P29 kada kilo ng bigas sa Kadiwa Stores na pinapatakbo ng pamahalaan.

Kamakailan ay ipinagtanggol ng Department of Agriculture ang pagbebenta nila ng P29 na kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa outlets.

Habang inamin ni Agriculture Assistant Secretary and spokesman Arnel de Mesa na ito ay isang testing stage lamang kung saan target nilang ilunsad ang programa sa Hulyo sa buong bansa.

Tinignan lamang nila kung ano ang mga kahinaan at challenges sa mga Kadiwa para magkaroon ng adjustments kapag nagsimula na ito nationwide sa Hulyo.

Ang nasabing inisyatibo ay mabebenepisyuhan ang nasa 25 percent na populasyon ng bansa na pawang mga mahihirap.

Sa kabuuan ng kuwento dapat pasalamatan ang mga pagsisikap na ito ng gobyerno na makabili ng murang bigas ang maralita kahit pa limitado lamang ang sangay ng Kadiwa stores.