NAGLAAN ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P290 million para sa paglahok ng Team Philippines sa Asian Games na gaganapin sa Setyembre 2023 sa Hangzhou, China matapos ang Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ang naturang halaga ay bahagi ng P650- million General Appropriation Act (GAA) na ipinasa ng bicameral committee na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.
Ang halaga ay gagamitin sa air fare, hotel and accommodation at miscellaneous expenses ng mga atleta sa kanilang pakikipaglaban sa 19th edition ng quadrennial meet na huling nilaro noong 2018 sa Jakarta, Indonesia.
Wala pang eksaktong bilang ang delegasyon ng bansa dahil kasalukuyan pang nagsasagawa ang mga coach ng lahat ng National Sports Associations (NSAs) ng serye ng eliminations para piliin ang mga karapat-dapat na isasabak sa Asian Games.
“We will thoroughly screen the credentials and winnability of the athletes because competition in the Asian Games is tough and difficult where best athletes in the region are competing,” sabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino.
Ang Team Philippines sa Asian Games ay pamumunuan ni Dr. Raul Canlas, dating doktor sa Philippine Sports Commission for Sports Medicine.
Ninombrahan din ni Tolentino si karate president Richard Lim bilang delegation head sa Asian Indoor and Mixed Martial Games na gagawin sa Bangkok at Chon Buri sa Thailand.
Unang itinakda ang Asian Games nitong 2022 at iniurong sa 2023 dahil sa global pandemic.
Si Tokyo Olympics at Asian Games gold medallist Hiidilyn Diaz-Naranjo ang “heart and soul” ng Team Philippine sa China..
Ang pinakamagandang showing ng Pilipinas sa Asian Games ay noong 1954 sa Manila kung saan nagwagi ito ng 14 gold, 14 silver at 17 bronze medals.
CLYDE MARIANO