P292-B PONDO KAILANGAN PARA SA  AFP MODERNIZATION

PONDO

AABOT sa P290 bilyon  ang pondong kakailanganin ng Department of National Defense para sa modernization ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay  Defense Secretary Delfin Lorenzana,  nagsumite sila kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng listahan ng mga military equipment na kaila­ngan ng Defense Department.

“May sinumite kaming proposal for the procurement of equipment for the next five years which is 292 billion so almost 300 bilion ‘yun pero wishlist lang namin ‘yun,” anang kalihim.

Bukod sa nakahain sa Malacañang nabatid na may kopya ring isinumite ang DND kay DBM Secretay Benjamin Diokno.

Subalit napag-alaman na P25 bil­yon lamang ang inilaang pondo para sa modernisasyon  sa  susunod na taon bukod pa sa P10 bilyon na posibleng kitain sa Bases Convertion Development Authority.

Dahil dito inihayag  ng kalihim na dapat silang magkumahog para  sa pagpasok pa lang ng 2019 ay maumpisahan na  ang pro-curement process.

“Kasi ngayon pa lang mayroon tayong mga pera na baka hindi natin magamit babalik na naman sa national treasury dahil nga it takes time e, especially for big ticket items like helecopters, ships, the gestation period is very long, katulad ng frigates natin na ginagawa ngayon sa Hyundai, do you know when that was started. 2012, 2012 nu’ng in-start ‘yung process, i-signed the contract in 2016 so that’s four years, matagal pa ‘yan na planning,” pahayag ng kalihim.

Sinabi ng kalihim na sinisimulan na sa  Korea sng dalawang missile capable frigates.

The two missile-armed frigates, now being constructed by South Korean shipbuilder Hyundai Heavy Industries (HHI), will be named after BRP Antonio Luna and BRP Jose Rizal,” bida pa ni Sec. Lorenzana. VERLIN RUIZ

Comments are closed.