P296.2-M AYUDA NG US SA KABABAIHAN NG MARAWI CITY

UMAABOT sa P296.2 million o $5.55 million ang ipinagkaloob na karagdagang tulong ng pamahalaang Amerika para sa humanitarian at  recovery work sa loob at labas ng Marawi City.

Ayon kay US Embassy in the Philippines Deputy Chief of Mission (DCM) Michael Klecheski, layunin ng nasabing dagdag tulong pinansiyal na isama at isulong ang  papel na gagampanan ng kababaihan sa re­covery and rehabilitation ng  Marawi kasabay ng pagbibigay suporta sa nagaganap na humanitarian assistance work sa loob at labas ng lungsod.

Ang nasabing tulong ay ihahatid ng US government sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID).

Dahil dito, umaabot na sa P1.7 bilyon o katumbas ng $31.95 million ang kabuuang kontribusyon ng  U.S. government sa humanitarian and recovery work sa war torn city ng Marawi.

Binigyang-diin  pa ni  Klecheski,  ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga kababaihan ay sa peace and security.

“Women have been disproportionately impacted by the conflict in Marawi, including by psychological trauma, reduced mobility, and diminished participation in civic activities,” nakasaad sa kalatas na inilabas ng US Embassy.

Sa nasabing ayuda,  P136.1 million ($2.55 million) nito ay gagamitin sa mga panga­ngailangan ng displaced persons lalo na sa hanay ng kababaihan  at isulong ang pangunguna ng kababaihan sa peace building and alternatives to violent extremism, at gender integration sa  recovery and rehabilitation work.

Kaya’t makikipag-ugnayan na ang USAID sa mga local government at samahan kabilang ang kababaihan para magsagawa ng mga community dialogue at hikayatin ang pagsasagawa ng civic engagement  projects.

Pangungunahan din ng USAID ang mga gawain para labanan ang gender-based violence at  trafficking in persons, at tulungan ang mga displaced na batang kababaihan na magbalik eskuwelahan.

“USAID invests in gender equality and women’s empowerment to promote the rights and well-being of women and girls around the world and to foster peaceful, resilient communities that are better prepared to cope with adversity and pursue development gains,” ani Kletcheski.

Samantala, ang na­lalabing P160.1 ($3 million) ay gagamitin naman sa mga gawaing pangkabuhayan (livelihoods) sa pamamagitan ng training and recovery grants para matulungan ang may 7,800 displaced families at pagkakaloob ng  malinis na tubig at sanitation para sa 10,000 displaced households sa loob at labas ng  Marawi City.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.