P298-B MAWAWALA SA LOCAL FIRMS

PEZA Director General Charito Plaza-2

NAGBABALA ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na maaaring mawalan ang  local businesses ng P298-B kita sa rationalization ng tax incentives.

Ayon kay PEZA Director General Charito B. Plaza, malaki ang mawawala sa local companies mula sa panukalang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (TRABAHO), na magpapababa sa corporate income tax (CIT) subalit sa isang banda ay magra-rationalize sa tax incentives.

Paliwanag niya, ang mga locator ay bumibili nang malaki sa domestic suppliers sa pamamagitan ng VAT zero-rating sa local purchases ng mga produkto at serbisyo.

Sinabi ni Plaza na ang mga kompanya na nakarehistro sa PEZA zones ay bumili ng P298-B halaga ng mga produkto sa local firms noong  2017,  mas mataas ng 12.45 percent sa P265 billion noong 2016.

Iginiit niya na ang local suppliers ay ­maaaring mawalan ng malaking kita kapag inalis ang VAT zero-rating at iba pang insentibo.

“If our exporters will pull out, affected will be our domestic suppliers. For example, the zero VAT for local purchases incentive of our exporters, how much local purchases did our industries in Peza purchase from local businessmen, from local suppliers?” ani Plaza.

“In 2016 [it was] P265 billion [and] in 2017 [it was] P298 billion. That could be at risk if our exporters move out of the country [due to the Trabaho bill],” dagdag pa niya.

Dahil dito ay hinikayat ni Plaza ang domestic firms na makiisa sa pagtutol sa pagpasa sa TRABAHO bill.

Suportado naman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking business network sa bansa, ang TRABAHO bill, dahil sa pagbaba sa CIT.  Bukod dito, nais din ng PCCI na i-rationalize ng gob­yerno ang tax perks para sa patas na playing field  sa lahat ng negosyo.

“The rationalization of fiscal incentives will ensure that both big and small businesses compete on a level playing field and, at the same time, remove redundancies and improve inefficiencies in terms of fiscal collection, effectively strengthening the government’s fiscal position,” pahayag ng PCCI.

“Another key aspect of Trabaho is the modernization of our revenue collection agency, which will make it easier for small tax-payers to file and pay their taxes. These changes are crucial in solidifying our economic fundamentals and in speeding up economic transformation,” dagdag nito.           ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.