P2K MULTA SA ILLEGAL PARKING

MMDA TICKET

SIMULA sa Enero 7 sa susunod na taon ay tataas na ng P1,000 hanggang P2,000 ang multa sa mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko tulad ng illegal parking.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, magiging P1,000  na ang multa sa violator na  motorista  para sa  attended illegal parking  na sa kasalukuyan ang multa ay nasa P200.00 samantalang sa unattended illegal  parking  ay magiging P2,000 na ang dating multa ay P500.

Para naman sa mga lumabag sa traffic obstruction at ignoring  traffic signs ay magi­ging  P1,000 na rin ang multa na kasalukuyang nasa P150.00.

Gayundin sa lumabag sa yellow lane sa EDSA  ay magiging P1,000 na rin ang multa  mula sa  P500 para sa pribadong behikulo at P300 para naman sa pampublikong behikulo.

Ayon sa MMDA  dahil buwan ng Kapaskuhan ang nasabing patakaran ay epektibong  ipatutupad na lamang   sa Enero  7, 2019.

Binalaan ng MMDA ang mga motorista na sa kada 3 oras sa bawat paglabag sa illegal parking, road obstruction at disregarding traffic signs ay ti-tiketan.

Sa pahayag naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagtataas ng multa sa bawat traffic violation ay bunsod ng resolution na  inaproba-han ng Metro Manila Council (MMC)  noong Disyembre 7 at nailathala  noong Disyembre 12 ng taong kasalukuyan.

Naniniwala ang MMDA na sa pamamagitan  ng bagong patakaran ay luluwag na  ang  daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo na ang EDSA.

“Maganda ito kasi makakadaan na ang mga sasakyan at luluwag ang kalsada lalo na sa mga alternate routes natin going outside EDSA,” ani Garcia.

Ngunit nilinaw nito na ang mga siyudad na may  existing traffic  city ordinances lalo na sa pagpaparada ay hindi sakop ng bagong patakaran.   MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.