Nasakote ng Department of Trade and Industry (DTI) ang higit Php2.4 million halaga ng non-compliant steel products kaugnay ng ilang isinagawang enforcement operations ngayong 2024.
Gamit ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI, nakumpiska ang 7,723 units ng uncertified steel products sa isinagawang inspeksyon sa mga hardware stores sa CALABARZON Region at National Capital Region kamakailan.