ANG Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), ay nagsagawa ng magkakasunod na enforcement operation laban sa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng hindi sertipikadong produkto na nasamsam mula sa mga retail firm sa Pampanga.
Pinangunahan nina Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Atty. Ruth B. Castelo at FTEB Officer-In-Charge (OIC) Assistant Director Atty. Joseph Manuel Pamittan ang mga enforcement team sa paglalahad ng pinaigting na operasyon sa Pampanga noong Setyembre 29, 2022.
Ininspeksyon ng mga ito ang mga kompanya sa Angeles City, San Simon, Arayat, Mabalacat, at Mexico; at nakumpiska ang 3,202 piraso ng hindi sertipikadong self-ballasted na LED lamp, single-capped fluorescent lamp, ceramic plumbing fixtures (sanitary wares), pipe (uPVC) para sa maiinom na supply ng tubig, uPVC rigid electricalconduit, low carbon steel wires, equal-Leg steel angle bars, GI steel pipe, rerolled steel bars, extension cord sets, monobloc chairs, electric blender, snap switch, at gulong para sa mga sasakyang automotive na nagkakahalaga ng P917,607.00.
Mula sa matagumpay na kick-off, sinalakay ng DTI enforcement teams ang San Simon, Minalin, Apalit, San Fernando, at Mexico, at nasa 2,963 piraso ng hindi sertipikadong produkto na nagkakahalaga ng P1,222,607.00 ang nasabat. Kasama sa mga selyadong produkto ang mga gulong para sa mga sasakyan low carbon steel wires, pipe (uPVC) para sa maiinom na supply ng tubig, deformed steel bar, low carbon steel wires, ceramic plumbing fixtures (sanitary wares), gulong para sa automotive vehicles, at PVC electrical tapes.
Sa 28 firms na ininspeksiyon sa lalawigan, 21 non-compliant firms ang inisyuhan ng Notices of Violation (NOVs), at pinagpapaliwanag sa loob ng 48 oras.
“The DTI upholds consumer protection not only by ensuring that only certified products are being sold in the market but also by educating consumers and businesses on the mandatory certification that they have to observe and comply with,” pahayag ni Usec. Castelo.