P3.009-B PONDO NG PDEA APRUB NA

Wilkins Villanueva

INAPRUBAHAN  na ng Senado ang pondo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Dangerous Drug Board (DDB).

Ito ay makaraang iendorso na aprubahan sa plenaryo ang imungkahing 2023 budget ng PDEA.
Binanggit nito na patuloy na magsisikap tungo sa pagpapalaki ng mga inilalaang pondo ng mga ahensiya para sa 2023.

Iminungkahi ng subcommite on finance ang P3.009 bilyon pondo para sa PDEA at P447.414 milyong pondo para sa DDB.

Sinabi ni PDEA director general Wilkins Villanueva na nangangailangan ang ahensiya ng karagdagang P1.7 bilyon, kung saan P200 milyon ang ilalaan para sa confidential funds.

“Napakakulang ng confidential funds na ibinibigay sa amin. For the past three years, wala talagang galaw. Halos nadodoble iyong nakukuha namin [na cases] and we believe mas mapapalaki pa naman ito dahil naha-hamper kami sa kakulangan pa rin ng pondo,” paliwanag niya.

Kabilang sa mga hakbangin ng PDEA na makikinabang din sa hinahangad na pagtaas ng badyet, ayon kay Wilkins, ay ang recruitment at pagsasanay ng 90 drug enforcement officers, ang pagtatayo ng PDEA Academy, at ang pagbuo ng isang PDEA K9 unit at iba pa.

Nangako si Senador Ronald Dela Rosa, na nanguna sa mga deliberasyon ng komite, na magsusulong ng mas mataas na badyet para sa PDEA, ngunit pinaalalahanan si Wilkins na ang gobyerno ay may “very limited fiscal space.”

“Napakalaki ng wishlist mo. I-priority mo iyong pinaka- number one. Hanapan natin ng paraan iyan with the chairman of the Senate committee on finance na masingit natin,” ayon kay Dela Rosa.
LIZA SORIANO