PUMALO na sa P3.11 billion ang pinsala sa agrikultura ni Severe Tropical Storm Kristine, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Iniulat ng DA na karamihan sa agricultural loss ay bigas, na umabot sa 152,440 metric tons (MT).
Ang iba pang agricultural commodities na naapektuhan ay ang mais na may 1,461 MT, cassava na may 126 MT, at high value crops na may 6,014 MT.
Nakapagtala rin ang DA ng 2,862 animal losses habang 98 fisheries ang naapektuhan.
Samantala, ang pinsala sa irrigation facilities ay nagkakahalaga ng P26 million.
Ayon sa DA, P541.02 million na halaga ng agricultural inputs ang ipamamahagi sa mga apektadong magsasaka.
Tutulungan din ng ahensiya ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at ng Philippine Crop Insurance Corporation.