P3.2M MGA ISDANG HULI  SA ‘PUTOK’ NASABAT

illegal dynamite fishing

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) ang isang cargo vessel na may sakay na nasa tinatayang P3.2 milyong isda kabilang ang endangered species na nalambat sa pamamagitan ng ilegal na dynamite fishing sa karagatang sakop ng Linapacan, Palawan.

Nabatid na ang M/V Alejandra ay umalis sa Palawan noong Mayo 19, 2019 na patu­ngo sa  Delpan Wharf nang  masabat ng PCG at BFAR  kinabukasan  at ineskortan patungong Delpan Wharf mula sa Cavite.

Sa cooler boxes ng isda, 79 dito ang natukoy na ginamitan ng dinamita habang ang iba ay naglalaman ng mga pating at page (stingrays at sharks) at ang isdang mameng na kabilang umano sa  endangered species.

Ayon sa PCG, sa pamamagitan ng intelligence information ay nakarating ang ulat hinggil sa nasabing barko na nagpupuslit ng endangered species.         PAUL ROLDAN

Comments are closed.