IPINAHAYAG ng Commission on Audit (COA) na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay gumastos ng P3.3 billion noong 2022 para sa mga kontrata sa paghakot ng basura sa bansa.
Batay sa audit report, sinabi ng COA na mas mataas ang halagang ginastos noong 2022 kaysa sa P3.2 bilyon na ibinayad sa mga contractor noong 2021.
Sinabi nito na ang pagtaas sa mga gastos para sa Environmental/Sanitary Services mula 2021 hanggang 2022 ay mukhang hindi naging makabuluhan.
Ayon sa COA, gumastos ang MMDA ng P1.8 bilyon noong 2018 at sa loob ng apat na taon tumaas ang halaga ng P1.5 bilyon o 83.6%.
Kung ikukumpara ang mga numero, sinabi ng COA na ang pinakamalaking pagtaas ay nangyari mula 2019 hanggang 2020 na may pagkakaiba sa P824 milyon.
Nagbabala na ang komisyon na ang pagbuo ng solid waste sa Metro Manila ang nagpataas ng bilang sa municipal solid waste sa Annual Audit Report nito sa MMDA.
EVELYN GARCIA