P3.3-T PINSALA SA EKONOMIYA MATATAMO NG PH NGAYONG TAON DAHIL SA PANDEMYA, MGA BAGYO – SOLON

Stella Luz Quimbo

TINATAYANG aabot sa P3.3 hanggang 3.4 trillion ang pinsala sa ekonomiya ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic at mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo, may akda ng “Bayanihan to Arise as One Act” o Bayanihan 3 bill, malaki na ang nawala sa ekonomiya ng bansa noon pa lamang first quarter sanhi ng pagsabog ng Taal Volcano.

“‘Yung first nine months ng ating taong 2020 ay pagbagsak ang ating naranasan. Ang inaasahan natin, kabuuang pagbagsak. Ang sabi ng ating economic managers 5.5 percent,” wika ni Quimbo sa isang panayam sa radyo.

“Pero, sa totoo lang po, kahit anong gawin nating pag-forecast, eh tila it’s going to be more than 5.5 percent, ang pagbagsak. At sinasabi ng ilang international agencies, pati na rin ng local banks, dahil may mga research sila, eh baka umabot ng 10 porsiyento ang kabuuang pagbagsak ng buong taon,” dagdag pa niya.

“Kaya ‘yun ang aking basehan ng pag-compute dun sa sinasabi ko na nasa P3.3 hanggang 3.4 trillion … ang mawawala sa buong 2020.”

Paliwanag ni Quimbo, ipinanukala  niya ang Bayanihan 3 law na nakatakdang talakayin sa Martes ng House Committee on Economic Affairs dahil ang unang dalawang Bayanihan laws na layong tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic ay hindi sapat.

Maging ang alokasyon para sa COVID-19 response mula sa panukalang P4.5 trillion 2021 national budget ay kailangan ani-yang dagdagan.

“Alam naman natin na ang pangunahing dahilan… ay ang pandemya. Beginning March, nung tayo ay nag-ECQ, napakaraming negosyante ang apektado dahil ‘di sila nakapagbukas ng kanilang negosyo, pero patuloy pa rin ang gastos nila tulad ng pasahod, mga bayad sa utang,” sabi pa niya.

2 thoughts on “P3.3-T PINSALA SA EKONOMIYA MATATAMO NG PH NGAYONG TAON DAHIL SA PANDEMYA, MGA BAGYO – SOLON”

  1. 15776 706692Thanks for the fantastic post against your blog, it genuinely provides me with a look about this subject.??;~.?? 433836

Leave a Reply

Your email address will not be published.