P3.38-B DEAL SA MINDA PROJECTS NILAGDAAN NG DOF, EU

LUMAGDA ang Filipinas at ang European Union sa dalawang kasunduan na nagkakahalaga ng 60.5 million euros (P3.38 billion) para sa peace efforts at infrastructure projects sa Mindanao.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang kasunduan para sa Min­danao Peace and Development Program-RISE na nagkakahalaga ng 35.5 million euros (P1.98 billion) ay nilagdaan noong Hunyo 26, habang ang Support to Bangsamoro Transition (SUBATRA) program na nagkakaha­laga ng 25 million euros (P1.3 billion) ay pinirmahan noong Hulyo 1.

“This EU assistance will certainly help the Duterte administration achieve its goal of just and lasting peace and development in southern Philippines, and in supporting genuine autonomy in the Bangsamoro region,” wika ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sinabi ng DOF na ang MINPAD-Rise Mindanao project ay may kabuuang halaga na €149.5 million.  Popondohan ito ng EU kasama ang pamahalaan ng Germany para sa indicative amount na €4 million, at ang  World Bank para sa  indicative amount na $130 million.

Layon ng RISE Min­danao na mapalawak ang economic opportunities at makapag-ambag sa rehiyon.

Samantala, target ng SUBATRA program na makalikha ng isang ‘enabling democratic governance environment’ para sa Bangsamoro region.

“SUBATRA is expec­ted to boost the capacity of the Bangsamoro executive branch in formulating and implementing transitional policies, and strengthen the BARMM Parliament’s ability to exercise its legislative, oversight and representation functions du­ring the transition,” ayon sa DOF.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.