GAGASTOS ang pamahalaan ng P30 para sa bawat national identification card na inaasahang ipalalabas sa may 116 mil-lion Filipinos sa susunod na tatlong taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor Dahlia Luna, ipi-print ng central bank ang national ID cards sa halagang P3.4 billion.
“Our contract with the [Philippine Statistics Authority], it’s at P3.4 billion, that is for 116 million cards. Practically, that is around almost P30 per card,” wika ni Luna.
Ang ID card ay maglalaman ng Philippine Identification System (PhilSys) number ng bawat indibidwal, ang kanyang buong pangalan, facial image, sex, date of birth, blood type, at address.
Pinormalisa ng BSP kahapon ang kanilang naunang commitment na i-print ang national ID, sa paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa PSA.
“Under the MOA, the BSP shall produce 116 million pieces of blank cards for the Philippine ID for three years,” sabi ni BSP Governor Benjamin Diokno .
“We will also provide needed equipment and space for the embedding of personal information onto the blank cards, which will be done by the PSA,” dagdag pa niya.
Sa pahayag ng PSA kamakailan, ang registration sa PhilSys ay magsisimula sa kalagitnaan ng 2020 at matatapos sa kalagitnaan ng 2022.
“We will do a rollout starting July 2020, we are targeting about 14 to 15 million (cards printed), assum-ing that there’s no problem by July,” ani PSA head Claire Dennis Mapa.
Comments are closed.