INATASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Philippine offshore gaming operators (Pogo) na bayaran ang P3.4 bilyon na income taxes mula sa mga empleyado nilang dayuhan na karamihan ay mga Chinese.
Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, inabisuhan na nila ang mga kompanyang sangkot, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ito ay makaraang makita ng BIR na hindi tugma ang bilang ng mga dayuhang manggagawa na kinuha ng mga foreign employer sa listahan na hawak ng gobyerno na nabigyan ng karampatang dokumento na magtrabaho sa bansa.
Nagbabala rin si Dulay na ang mga employer na hindi tutugon ay mahaharap sa mas mabigat na kaparusa-han.
Nabatid na lumabas sa listahan ng Department of Finance (DoF) na may 12,000 mga manggagawang dayuhan ang hindi nagbabayad ng kanilang income tax. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.