P3.4-M DROGA, EXPIRED NA GAMOT WINASAK NG PDEA

DAVAO – UMAABOT sa P3.4 milyong halaga ng ilegal na droga, mga expired na regulated na gamot at mga paraphernalia ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office XII Araw ng Lunes sa lalawigang ito.

Ayon sa pahayag  ni Regional Director Benjamin Recites III, sinabi nito na ang mga winasak na may halagang P3,487,872.946 ay kinabibilangan ng 274.1023 gramo ng shabu (P1,863,895.64), 6,979.3538 gramo ng marijuana (P837,522.456) at expired na  786,454.85 regulated meds.

Ang mga piraso ng ebidensyang ay mula sa 468 kaso na tinurn-over ng mga korte na may court order para sa pagsira at mga expired na regulated na gamot mula sa iba’t ibang botika at ospital sa Rehiyon 12 ay winasak sa pamamagitan ng thermal destruction sa Cosmopolitan Funeral Homes, Davao City bilang pagsunod sa RA 9165 at Dangerous Drugs Regulasyon ng Lupon Blg. 1 serye ng 2002.

Dagdag pa ng opisyal ng PDEA na gagawin nilang lahat ng kanilang makakaya upang labanan at sug­puan ang suliranin sa mga kumakalat na illegal na droga at papanagutain ang mga sangkot dito.

EVELYN GARCIA