NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa ikinasang entrapment operation sa isang open parking lot ng shopping center sa Pasay City.
Kinilala ang suspek na si Nasrodin Baulo y Cabiran, 26-anyos, may asawa, vendor at residente ng Barangay 187, Pasay City kung saan nakumpiskahan ng humigit kumulang sa 500 gramo ng shabu na nagkakahalagang P3,400,000.00.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. PAULA ANTOLIN