P3.4 M SHABU NASABAT SA 3 DRUG COURIERS

NASA kalahating kilo ng shabu ang nakuha sa tatlong suspek kasunod nang isinagawang anti narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang mall sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa report na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Vilma Maritana y Solomon, 51-anyos ng Purok 1, III Cupang, Muntinlupa City; Richard Flaminian, 59-anyos,residente ng Purok 1, III Cupang, at Bricks Marhana y Solomon, 18-anyos ng nasabi ring lugar.

Habang target ngayon ng manhunt operation ang isa pang suspek na nakatakas na kinilalang si Fredrick Moldez @Kiko (Atlarged), 40-anyos ng Alabang, Muntinlupa City.

Tinatayang aabot sa P3,400.000.00 ang street value ng may 500 gramo ng shabu na nasabat sa tatlong drug suspek matapos ang ikinasang entrapment operation sa parking lot nang mall sa Alabang kamakalawang hapon.

Ang anti-drug operation ay isinagawa nang pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng PDEA Central Luzon, PDEA Southern District Office, at local police.

Sa report ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan Babang,nabawi sa mga suspek ang ginamit na buy bust money at ang shabu na nakabalot sa plastic.

Nahaharap sa kasong paglabag nang Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 ang mga naarestong suspek. VERLIN RUIZ

8 thoughts on “P3.4 M SHABU NASABAT SA 3 DRUG COURIERS”

  1. 193391 556474Hi there! I could have sworn Ive been to this site before but soon after reading by way of some with the post I realized it is new to me. Anyhow, Im surely glad I located it and Ill be book-marking and checking back often! 488258

Comments are closed.