P3.4-M SHABU NASABAT SA 3 NARCO COURIERS

CAVITE – BAGSAK-kulungan ang 3 narcotic couriers makaraang makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga na shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO-NCR at Bacoor CPS sa bahagi ng Floraville Subd. sa Brgy. Panapaan 1, Bacoor City noong Huwebes ng hapon.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Marvin “Baron” Espiritu y Dominguez, 30-anyos, businessman, ng #194 Brgy. Palico, Imus City, Cavite; John Paul “Kuya” Reyes, 26-anyos, delivery rider, ng #215-A Panapaan 1, Floraville Subdivision, Bacoor Cavite; at si Christine “Nanay” Bautista Alvaran, 25-anyos, #0233 Talisayan, Brgy. Sampaloc 4, DasmariñasCity, Cavite.

Sa police report na isumite sa Camp Pantaleon Garcia, inilatag ang anti-drug operation sa harapan ng isang tindahan sa nasabing barangay kung saan nasakote ang mga suspek.

Nasamsam ang 500 gramo na shabu na may street value na P 3.4 milyon kung saan nakumpiska rin ang isang Toyota Avanza, isang yunit ng cellphone, tatlong identification cards at ang 8 bundles ng boodle money na may isang genuine P1,000.

Kasalukuyang isinailalim sa drug test ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman ang 500 gramong shabu na gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2012). MHAR BASCO

143 thoughts on “P3.4-M SHABU NASABAT SA 3 NARCO COURIERS”

  1. 320631 302053Great day! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 233480

  2. 465566 877908Exceptional read, I recently passed this onto a colleague who has been performing a bit research on that. And the man actually bought me lunch because I came across it for him smile So allow me to rephrase that: Appreciate your lunch! 93309

Comments are closed.