P3.4-M SHABU NASABAT SA CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

PAMPANGA- NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark International Airport (CIA) ang shabu na tinatayang aabot sa P3.4 milyon ang halaga.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, dumating ang mga drogang nitong Abril 6 galing sa Incheon South Korea at idineklara bilang diaper bags.

Ngunit, pagdaan sa customs x-ray scanning nadiskubre ang limang transparent self-sealing sachets ng naglalaman ng shabu na itinago sa loob ng backpack.

Agad na inisyuhan ng Warrant and Seizure and Detention (WDS) ni Alexandra Lumontad District Collector ng CIA, ang naturang mga droga, dahil sa paglabag ng sections 118 (g), 119 (d), at ng 1113 (f) ng RA 10863 na may kaugnayan sa section 4 ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangereuos Drug Act 2002.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang impormasyon mula sa Bureau of Customs sa pagkakilanlan sa taong sangkot sa illegal drug importation na ito. FROILAN MORALLOS