P3.4-M SHABU NASAMSAM SA 2 DAYUHAN, 1 PINOY

CAVITE – Umaabot sa P3.4 milyong halaga na shabu ang nasamsam sa dalawang dayuhan at isang Pinoy sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA 4A at pulisya sa bahagi ng General Trias City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na report na naisumite kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang mga suspek na sina Stephen “Sam” Michaels, 36-anyos, Ghanian national; Agbe Monday Patrick na may alyas Liberty, 27, estudyante at Nigerian national; at si Roca Kaylene Glynnis Mejia, 30-anyos, call center agent.

Ayon sa ulat, nasabat ng mga operatiba ang isang resealable plastic bag na naglalaman ng 500 gramo na shabu na may street value ng P 3,400,000.00; isang caliber 45 pistol, na may pitong bala, isang cellular phone, isang kulay na Gray na kotse may plate no. NAT 4083; at ang marked money na ginamit sa anti drug operations.

Isinailalim na sa drug test ang mga suspek habang pina-chemical anakysus naman ang 500 gramo na shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kasing paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek bago dalhin sa detention facility habang inabisuhan naman ng mga awtoridad ang embahada ng Nigeria at Ghana kaugnay sa pagkakadakip sa dalawang dayuhan. Mhar Basco

7 thoughts on “P3.4-M SHABU NASAMSAM SA 2 DAYUHAN, 1 PINOY”

  1. 54886 340963Hey this is kinda of off topic but I was wanting to know if blogs use WYSIWYG editors or in case you have to manually code with HTML. Im starting a blog soon but have no coding experience so I wanted to get advice from someone with experience. Any support would be greatly appreciated! 798656

Comments are closed.