P3.4 M SHABU NASAMSAM SA 2 TULAK SA MAYNILA

SA kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Fabian na pinalakas pa ng habagat ay sinamantala ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng anti narcotics operation sa Quiapo, Maynila na nagresulta sa pagkaka-aresto sa dalawang bigtime drug pusher at pagkumpiska sa may kalahating kilo ng shabu.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Willkins Villanueva,bandang ala-1:20 kamakalawa ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng PDEA Regional Office IV-A (RSET) sa Hidalgo sa kanto ng Barbosa st. Brgy 383, Quiapo Manila.

Kinilala ang mga naaresto sa buy bust ope­ration na sina Allan Taha Usman at Rocky Pablo Cornelio kapwa itinuturing na mga bigtime drug dealer na kabilang talaan ng high value target ng PDEA RSET.

Ayon kay PDEA Public Information Office Director Derrick Carreon, nakuha sa pag iingat ng dalawang suspek ang may 500 gramo ng shabu na tinatayang may street value na P3,400,000.00.

Kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag Sec. 5 Art II in rel to Sec 26 par b of RA 9165 ang dalawang suspek. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “P3.4 M SHABU NASAMSAM SA 2 TULAK SA MAYNILA”

  1. 780455 72636Conveyancing […]we like to honor other web sites on the internet, even if they arent related to us, by linking to them. Below are some websites worth checking out[…] 952393

Comments are closed.