P3.4-M SHABU NASAMSAM SA 3 CHINESE

ANGELES CITY- ARESTADO ang tatlong Chinese na nahulihan ng tinatayang nasa kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.00 sa inilatag na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Shanghai Building, Barangay Balibago nitong Lunes sa lalawigang ito.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang sting operation ang ikinasa ng PDEA Region 3 Office sa Barangay Balibago sa Angeles City.

Ayon sa PDEA Region 3 report, nitong Martes, naganap ang buy-bust ng alas-10:50 ng gabi sa Shanghai Building sa kahabaan ng MacArthur Highway.

Kinilala ng PDEA ang mga naarestong sina Bin Da, 23-anyos; Hei Xiao 21-anyos at Gua Xiao, 20-anyos na kapwa residente ng Shanghai Bldg., Brgy. Balibago.

“According to the team leader, the suspects were extremely circumspect while transacting, and took them a month to arrange a drug deal with the suspects,” ayon sa PDEA Region 3, base sa pahayag ng team leader ng operasyon.

Bukod sa halos kalahating kilo ng shabu, nakuhanan din umano ang tatlo ng pitong iba’t ibang mobile phones, susi ng kotse, at ang marked money ng ginamit ng poseur-buyer sa nasabing buy bust.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon pa sa ahensya. VERLIN RUIZ