MAHIGIT P 3.4 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlo katao na nasakote sa isinagawang pinagsanib na puwersa ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Visayas Street, South Signal, Taguig City.
Kinilala ni BGen. Jimili L. Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Steven Paulil y Alba, 22-anyos, construction worker ng Magahan Brgy. Matado, Paranaque City; Glen Esperansate y Rimano, 24-anyos at Faisan, 18-anyos, pawang residente ng Brgy. Central Kalinga, Taguig City.
Batay sa report, nagsanib puwersa sa operasyon ang District Drug Enforcement Unit (DDEU-SPD) na pinangunahan ni Maj. Cecilio G. Tomas Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni Maj. Renante M. Galang, IOC, DID/D2 kasama ang mga tauhan ng DID-SPD at DMFB-SPD sa pagsasagawa ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa naturang mga suspek.
Isinagawa ang naturang operasyon dakong alas-7 ng gabi araw nitong Lunes sa Visayas Street South Signal sa nabanggit na lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang 12 heat sealed transparent plastic na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa 500 gramo ang bigat na umaabot sa halagang P3.4 milyon, limang piraso ng P1,000.00 na buy bust money, Yamaha Sporty na motorsiklo, at eco bag at 4,000.00 na boodle money.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa selda ng SPD-DDEU habang ihinahanda pa ang mga kaukulang kasong isasampa sa mga suspek na lumabag sa Sections 5 – 11 sa ilalim ng Art 11 ng RA 9i165 habang ang mga nasamsam na ebidensiya ay inilipat sa pangangalaga ng SPD Forensic Unit para sa chemical analysis. EVELYN GARCIA