P3.5-B BINONDO-INTRAMUROS BRIDGE PINASINAYAAN

PINANGUNAHAN nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte , Manila Mayor Isko Moreno at China Embassy in Manila Ambassador Huang Xilian ang pagpapasinaya sa P 3.5 Billion Binondo-Intramuros bridge.

Ang nasabing tulay ang mag-uugnay sa Intramuros, Solana Street hanggang sa Riverside
Drive at sa Binondo, Rentas Street patungong Muelle dela Industria.

Mahigit tatlumpung libong motorista ang inaasahan dadaan sa nasabing tulay na may 680-metrong haba at apat na linyang lapad.

Pinasalamatan nina Pangulong Duterte at Moreno ang China sa binuksang tulay na donasyon ng Chinese government dahil mas mabilis nang makararating sa Binondo at Intramuros ang mga motorista.

Mapapaganda rin nito ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Gayundin, mayroon itong bike lanes para sa mga indibiduwal na gumagamit ng alternatibong transportasyon. VERLIN RUIZ