P3.5-M EXPIRED JELLY CANDIES AT HELMETS WINASAK NG BOC

HELMET

SINIRA ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P3.5 milyong  halaga ng iba’t ibang kargamento sa Angat, Bulacan.

Isinagawa ang natu­rang condemnation sa harap ng mga mamamahayag, local government unit at mga tauhan ng Bureau of Customs na pinangunahan ni Isidro Lapeña.

Ayon kay Lapeña, ang nasabing condemnation ay batay sa provisions ng Section 1145 (Disposition of Goods Injurious to Public Health) to 1146  (Disposition of Prohibited Goods) of the Republic Act No. 10863 o iyong tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang probisyon ng Customs Memorandum Orders and Customs Administrative Orders.

Laman ng  inabandonang mga container ay expired jelly candies at helmets.

Ginawa  ang  pagsira sa mga produkto sa loob ng  Zafra Feed Milling.

Ayon sa pahayag ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) ng Port of Manila, ang binabanggit na mga shipment ay napatunayan na hindi maaaring kainin o iyong tinatawag na  unfit for human consumption .

Nadiskubre ng Customs examiners na ang mga lamang  jeey candies ng dalawang 40-footer containers ay tinatayang aabot sa P2 milyon  at pag-aari ng Richco Marketing.

Ang dalawang 40-footer container ng mga helmets ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon  at pag-aari naman ito ng Mild Red Trading, na idineklarang mga houseware.

Napatunayan  din ng Customs examiners na ang mga naturang kargamento ay walang permit mula sa Department of Trade and Industry at Bureau of Philippine  Standards (DTI-BPS). FROILAN MORALLOS

Comments are closed.