NAKAKUMPISKA ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit P3.5 million na halaga ng mga puslit na sigarilyo sa Lanao del Norte.
Ayon sa BOC, nag-isyu ang mga operatiba nito mula sa Port of Cagayan de Oro ng Warrant of Seizure and Detention noong July 25, 2024 laban sa 4,300 reams ng undocumented cigarettes na nasabat sa Kapatagan at Sultan Naga Dimaporo.
Sinabi ng BOC na ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Kapatagan ay itinurnover noong July 8, 2024 sa BOC Sub-Port of Iligan.
Samantala, ang mga nakumpiska sa Sultan Naga Dimaporo ay itinurnover noong July 11, 2024.
Ayon pa sa BOC, ang sasakyang ginamit sa pagdadala ng undocumented items ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Sections 1113 (f) at 117 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at National Tobacco Administration (NTA) Rules and Regulations.
Magmula noong May, 2024, ang BOC port of CDO, kasama ang Philippine National Police at Philippine Army, ay nakasamsam ng tinatayang P29.359 million na halaga ng puslit na sigarilyo sa Northern Mindanao at mga kalapit na probinsya.
“The initiative by the Port of CDO to improve coordination with various law enforcement agencies is essential in fulfilling our mission to fortify border security against illicit trade, including the trafficking of illegally imported tobacco products,” wika ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.