P3.5-M SHABU NASAMSAM NG PDEA

MAHIGIT kahalating kilo ng Shabu ang nasamsam ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva sa isinagawang anti-narcotics operation sa Quezon City kamaka­lawa ng gabi.

Ayon sa ulat na isi­numite ni PDEA Regional Director Christian Fivaldo kay DG Villanueva, tinatayang aabot sa P3, 575, 000.00 ang street value ng droga na kanilang nakumpiska sa buy bust operation .

Nadakip naman ang target ng anti- illegal operation na kinilalang si Mantil y Kasim, 28-anyos na residente Poblacion, Talitay, Maguindanao.

Matapos na makipag-ugnayan ang PDEA Regional Office -NCR QCDO kina QCPD PS4 station commander Lt Col. Richard Lan Ang at PS3 station commander si Lt Col Alexander Gonzales Barredo ay isinakatuparan ang ikinasang buy bust operation laban sa suspek.

Bandang alas-10:15 ng gabi nitong Lunes kumagat sa pain ang suspek kaya matagumpay na naisakatuparan ang inilatag na dragnet ng mga awtoridad sa #612 kahabaan ng Quirino Highway Brgy. Bagbag, Quezon City.

Narekober sa lugar ng mga tauhan ni IA-V Cham Sulit PDEA- QCDO ang may 550 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3, 575, 000.00, isang tunay na P 1000 bill na ginamit na pantakip sa boodle money, isang asul na Motorola smart phone.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Art. II, ang RA 9165 comprehensive dangerous drug act of 2002 si Kasim na pangsamantalang nakapiit sa detention center ng PDEA national headquarters sa lungsod ng Quezon. VERLIN RUIZ