TINATAYANG aabot sa P 3.6 milyong halaga ng mga paputok ang nakumpiska ng Philippine National Police.
Hanggang kahapon ay patuloy na nadaragdagan pa ang mga ipinagbabawal na firecrackers ang nakukumpiska ng PNP sa buong bansa.
Base sa inilabas na datos ng pambansang pulisya, lumilitaw na umabot sa halos 200, 000 mga paputok ang nakumpiska bunga ng mga operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nabatid pa na pinakamarami sa nasamsam na firecracker products ang large size na Judas Belt o Goodbye Philippines na mahigit 34, 000.
Sinundan ito ng 5 star na mahigit 29, 000 at Piccolo na mahigit 18, 000.
Bukod sa mga nasabing iligal na paputok ay may mga nakumpiska ang Plapla, Lolo Thunder, Giant Whistle bomb, Goodbye Covid, Hamas at iba pa malalakas na uri ng paputok na ni-repackage o pinalitan lamang ng pangalan.
VERLIN RUIZ