TINATAYANG umaabot sa 3.6 milyong piso ang mga patay na seahorse na naharang ng Philippine Coast Guard sa pantalan ng Zamboanga.
Sa imbestigasyon ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang PCG na ibibiyahe pa-Maynila ang isang oceanic container mula sa Tawi Tawi na may laman na endangered aquatic products.
Agad na nagsagawa ng port entrance check ang PCG sa nasabing container van at dito tumambad ang nasa 15 carton bundles ng seahorses.
Iniimbestigahan na ang sinasabing consignee ng van na isang Mr. Ramon Sayson.
Kanila nang nai-turn over ang mga nasabat sa BOC at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa documentation. NENET V
Comments are closed.