P3.7-B GRANT DEAL SA ECONOMIC COOPERATION NILAGDAAN NG PH, CHINA

DFA

NILAGDAAN ng Filipinas at ng China ang isang kasunduan sa economic at technical cooperation na magkakaloob sa bansa ng 500 million renminbi (USD77.38 million o P3.72 billion) grant mula sa China upang suportahan ang implementasyon ng infrastructure projects at iba pang development initiatives ng administrasyong Duterte.

Ang grant ay naglalayong suportahan ang livelihood projects, infrastructure facilities, feasibility studies para sa major projects at iba pang mga proyekto na mapagkakasunduan ng magkabilang partido.

“Subject to further discussions between our two governments and depending on the requirements, this may possibly include support for Covid-19 (coronavirus disease 2019) related activities and response measures,” wika ni Undersecretary Mark Dennis Joven ng International Finance Group (IFG) ng Department of Finance (DOF) sa isang statement.

Lumagda si Joven sa kasunduan para sa Filipinas, habang si Vice Chairman Deng Boqing ng China International Development Cooperation Agency (CIDCA) ang kumatawan sa Chinese government.

Ang paglagda sa kasunduan ay sinaksihan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at visiting China State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa seremonyang idinaos sa Shangri-La sa the Fort sa Taguig City.

Ito na ang ika-7 grant agreements na nilagdaan ng administrasyong Duterte sa Chinese government.

“The signing of the latest agreement brings the grant resources from the Chinese government to a total of 3.25 billion renminbi (about USD496.97 million).”

Comments are closed.