ITINAAS ng Department of Agriculture (DA) ang halaga ng pautang nito sa mga magsasaka at mangingisda ng halos apat na beses simula sa susunod na taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, mula sa P1 billion ngayong taon, ang ahensiya ay maglalaan ng P3.7 billion sa programa.
“Ang ating mabait na Budget secretary, dinagdagan ang pondo sa programang ito for the year 2019. Ginawang P3.7 billion na from P1 billion, because of the success of the program,” wika ni Piñol.
Ang mga magsasaka at mangingisda ay maaaring manghiram ng hanggang P50,000 na may interest na 6 percent kada taon, at walang kolateral.
Layunin ng programa na maiiwas ang mga magsasaka at mangingisda sa ‘5-6’ na nagpapataw ng napakataas na tubo.
Comments are closed.